top of page
  • Writer's pictureRonald Udani

Guide: Paano Kumuha ng OEC Online Exemption, OEC tutorial for OFW 2023


paano kumuha ng oec online
Paano kumuha ng oec online exemption 2023

Sino ba ang kailangang kumuha ng oec online?

Bawat OFW or Overseas Filipino Worker abroad, ay required na magkaroon ng oec online account under ng onlineservices.dmw.gov.ph for oec clearance kapag sila ay lalabas na ng pilipinas or babalek na ng abroad. Ang pops bam oec exemption 2023 ay kailangan deng gawen ng mga bago or first time OFW.


Ano ang mga requirements para makakuha ng oec online exemption?

Mag register sa website ng POPS-BAM or Balik Manggagawa website, https://onlineservices.dmw.gov.ph. Siguraduheng napanuod ang oec tutorial na ito dahel ang step 01 para sa mga bagong OFW na magreregister ay madalas nag-kakaproblema, sa temporary password. na gagamiten.


Ang mga sumusunod na mga dokumento ay kailangang ilagay sa pag-register ng account sa pops bam oec online.

  1. Passport

  2. Work Visa

  3. Beneficiary Information (Family)

  4. Date of flight

  5. Email address


Steps sa pagkuha ng OEC Online Exemption

  1. Puntahan ang website na https://onlineservices.dmw.gov.p

  2. Pinduten ang "LETS GO" at mag-register gamet ang inyong email address

  3. Ilagay ang inyong impormasyon: Full Name, Gender, Email Address, Birthdate

  4. Makakatanggap kayo ng "Temorary Password" sa inyong email

  5. Gamiten ang OTP or Temporary Password para makapag login sa inyong acount at baguhen ang password base sa inyong kagustuhan

  6. Mag-login gamet ang bagong username (email) at password

  7. I-upload ang inyong passport photo, siguraduhing maliet ang file size at ito ay dapat nassa jpeg, png format

  8. Pinduten ang "My Profile" at sagutan ang mga sumusunod: - Contact number - Address sa pilipinas - Mother's Maiden name

  9. Mag lagay ng pasport information sa "Identification"

  10. Magdagdag ng beneficiary under ng "My Family" at i-save ang inyong profile

Kung kaya ay nagbago ng job position, job title, or employer, kailangan sagutan ang mga tanong sa naaayon sa inyong employment details, makikita ito sa steps 03-04 ng video ng oec online exemption.


Bakit hindi ako maka-print ng OEC?

Kung ikaw ay nakapag-register na sa pop bams at kayo may meron ng eregistration number, maaring mag antay lamang ng 24 oras or 1 day, dahel kapag bagong gawa lang ang inyong account online, kailangan munang i-tugma ng dmw server ang inyong mga detalye para sa oec.


Kung kayo naman ay same employer, same job title or pareho lang ang mga employment details nyo at matagal na kayo sa employer nyo PERO hindi kayo nakapag-verify ng work contract before, ay hindi ren kayo agad makakakuha ng oec online. Dahel limitado lamang ang ating access sa account naten sa POEA or Embassy of the Philippines lamang ang pwedeng magbago ng mga employment details nyo.


Work Contract Verification for OEC

Ang contract verification or work contract verification ay ginagawa ng isang OFW kapag lahat ng paraan sa pagkuha ng oec online exemption ay hindi successful. Dalen lamang ang inyong work visa, passport at original work contract sa POEA or Embassy para matulungan kayong ayusen ang inyong pops bam account for oec.


#tpaanokumuhangoec #paanokumuhangoeconline #oeconlineexemption

6 views0 comments
bottom of page